Umakyat na sa 2,544 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).
Batay sa datos ng PNP Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF), 69 sa mga ito ang nasa ospital at 2,475 ang nasa isolation facilities.
Nakapagtala naman ang PNP ng 208 na new cases kung saan 128 ang mula sa Police Regional Offices, 52 sa National Operational Support Unit, 2S0 sa National Administrative Support Unit at 8 sa National Headquarters.
Sa ngayon, umabot na sa kabuang 16,430 ang mga tauhan ng PNP na tinamaan ng COVID-19 simula nang nakalipas na taon, 13,846 ang mga gumaling at 40 na PNP personnel ang nasawi na.
Facebook Comments