Aktibong kaso ng COVID-19 sa San Pedro, Laguna, 47 na lang

Kinumpirma ng City Epidemiology and Surveillance Unit ng San Pedro, Laguna na 47 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Ito ang naitalang pinakamababang aktibong kaso sa loob ng mahigit walong buwan simula noong February 28, 2021.

Sa kabila nito, patuloy ang pagpapatupad ng mga hakbang ng city government para tuluyang masugpo ang COVID-19.


Pinapayuhan din ang mga residente ng San Pedro na maging maingat pa rin at sumunod sa health protocols sa harap ng pagluluwag sa restrictions.

Facebook Comments