Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Santiago City, Nasa 16

Cauayan City, Isabela- Mayroon pang kasalukuyang labing-anim (16) na natitirang positibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Santiago.

Ang siyam (9) dito ay nasa pangangalaga ng Southern Isabela Medical Center (SIMC) at pito (7) naman ang nasa pangangalaga ng LGU Isolation Facility.

Sa kabuuan, 226 na ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Lungsod.


Umakyat naman sa bilang na 209 ang naitalang gumaling sa nasabing sakit kasama ang walo (8) na mula sa labas ng rehiyon at isa (1) naman ang naitalang nasawi.

Facebook Comments