Umaabot na sa 224 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Santiago City batay sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH) region 2.
Ngayong araw, nakapagtala ng 47 dagdag na kaso ng mga tinamaan ng virus ang lungsod.
Sa 47 na bagong kaso, 44 dito ang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng COVID19 habang ang tatlo (3) na kaso ang mayroong nararanasang sintomas.
Ayon kay Health Education and Promotion Officer Pauleen Atal, ito ay resulta ng malawakang contact tracing at mass testing ng Lokal na Pamahalaan sa mga close contacts at iba pang posibleng nakasalamuha ng mga nagpositibo sa lungsod.
Kinabibilangan ng mga barangay Nagassican, San Jose, Rosario, Calaocan,Buenavista, Plaridel ang nakapagtala ngayon ng kaso ng virus.
Samantala, nasa 415 ang bilang ng mga tinamaan ng virus habang 252 ang mga nakarekober mula sa sakit.
Pakiusap ngayon ng DOH na sundin pa rin ang standard health protocol para makaiwas sa pagkahawa sa sakit.