Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Solano, Bumaba sa 6

47

Cauayan City, Isabela- Nasa anim (6) na lamang ang natitirang aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Solano matapos makapagtala ng 268 na total cases.

Sa pinakahuling ulat ng bayan ng Solano, anim na lamang ang active cases ng nasabing bayan matapos madagdagan ng labing dalawa ang bilang ng mga nakarekober sa virus.

Mula sa anim pang mga active cases, isa (1) na lamang ang binabantayan sa barangay Bagahabag, dalawa (2) sa Osmeña, isa (1) sa Poblacion South at dalawa (2) sa Quirino.

Wala namang naiulat sa kasalukuyan na may bagong nagpositibo sa nasabing bayan.

Dagdag dito, umakyat na sa 254 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober at walo (8) ang namatay.

Facebook Comments