Cauayan City, Isabela- Tumaas sa 261 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Tuguegarao matapos madagdagan ng 34 na bagong positibong kaso base na rin sa tala ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) ng Provincial Health Office (PHO).
Malaking bilang pa rin ang hawaan ng virus o local transmission sa Lungsod dahil sa may karagdagang local transmission na 32 at ito ay nagmula rin sa mga positibong pasyente na naka-home quarantine.
Sa kasalukuyan, nasa 118 na positibo sa virus ang kasalukuyang naka-home quarantine sa Tuguegarao City.
Kaugnay nito, isinuhestyon ng DOH Region 2 maging si Medical Center Chief Dr. Glenn Baggao na mas mainam pa rin na nasa quarantine facility at i-monitor ng mabuti ang mga nagpopositibo sa sakit at mahigpit na ipatupad sa kanila ang maximum health protocol.
Samantala, nakapagtala naman ng 40 na panibagong kaso ang lalawigan ng Cagayan kung saan ay umaabot na sa 365 ang aktibong kaso sa lalawigan mula sa total confirmed cases na 1,847 habang nasa 1,453 naman ang nakarekober.