Aktibong kaso ng COVID-19 sa Valenzuela, pumalo sa higit 100

Pinag-iingat ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela ang mga residente nito dahil unti-unti na naman tumataas ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lungsod.

Sa datos ng Valenzuela City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), nasa 101 ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, 23 pasyente ang nananatili sa isolation facility habang 3 ang naka-admit sa mga hospital.


Umaabot naman sa 75 ang naka-home quarantine dahil pawang mga may mild symptoms lamang ang mga ito.

Magkaganoon pa man, nakatutok pa rin ang Valenzuela Local Government Unit (LGU) sa mga naka-home quarantine para masiguro ang kanilang paggaling at hindi na rin makahawa pa.

Sa kabuuan, nasa 47,794 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Valenzuela kung saan 46,703 ang gumaling at nasa 990 naman ang bilang ng nasawi.

Facebook Comments