Tumaas sa 26,399 ang aktibong kaso ng COVID-19 na naitala sa bansa mula sa 25,293 active cases noong Huwebes.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 2,459 na bagong kaso ng sakit kahapon, ikalawang araw na higit 2,000 new cases ang napaulat.
Nanguna ang National Capital Region (NCR) na may pinakamataas na kaso sa nakalipas na dalawang linggo na may 11,063 cases.
Sa kabuuan, nasa 3,978,354 na ang tinamaan ng COVID-19 sa bansa kung saan 3,888,516 na gumaling.
Samantala, nadagdagan naman ng 36 bagong nasawi bunsod ng sakit dahilan para sumampa sa 63,439 ang COVID-19 death toll sa bansa.
Facebook Comments