Aabot na sa halos tatlong daan ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 na patuloy na binabantayan sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa pinakahuling datos mula sa Provincial Health Office matapos maitala ang limampu’t tatlong bagong kumpirmadong kaso kahapon, na nagresulta sa pagkakaroon ng kabuuang dalawang daan at walumpu’t-apat (284) na COVID-19 active cases sa lalawigan.
Tatlo (3) na lamang din ang mga lugar sa Pangasinan na walang kaso ng COVID-19 sa kasalukuyan.
Kinabibilangan ito ng mga bayan ng Alcala, San Manuel at San Quintin.
Samantala, nangunguna naman sa watchlist ng PHO Pangasinan sa may pinaka-maraming aktibong kaso ng COVID-19 ang bayan ng Calasiao na mayroong dalawampu’t-dalawa (22) at sinundan naman ng lungsod ng San Carlos na mayroong dalawampu (20). | ifmnews
Facebook Comments