Aktibong kaso ng Delta variant sa bansa, 17 na

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na 17 ang aktibong kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, isa rito ay mula sa Region 6 na una nang idineklarang gumaling pero lumabas sa final validation na positibo pa sa sakit at kasalukuyang nasa isolation.

Sa 17 na aktibong kaso, 15 ang local cases habang dalawa ang Returning Overseas Filipinos (ROFs).


Mula naman sa 216 na kumpirmadong tinamaan ng Delta variant sa bansa, 190 ang gumaling na at 9 ang namatay.

Sa datos pa ng DOH, 165 ang local cases habang 48 ang ROFs at 3 ang inaalam pa ang estado.

Facebook Comments