AKTIBONG MIYEMBRO NG PHILIPPINE ARMY, ARESTADO SA PAGPAPAPUTOK NG BARIL SA BAYAN NG AGUILAR

Inaresto ng mga kawani ng Aguilar PNP ang isang aktibong miyembro ng Philippine Army matapos umano itong magpaputok ng baril.
Ang suspek ay kinilalang si PVT. Rodel Flores , residente sa Iloilo City at naka assign sa Camp O’Donnell sa Capas Tarlac.
Ayon sa imbestigasyon, nakatanggap ng tawag mula sa mga concern citizens ang PNP Aguilar kaugnay sa putok ng baril na nagdudulot ng takot sa mga residente sa Brgy. Laoag pasado alas otso ng Gabi.

Agad naman itong tinungo ng PNP kung saan pagdating sa lugar ay itinuro ng ilang mga saksi ang dalawang basyo ng bala kung saan nagpaputok ng baril ang suspek.
Pagkatapos ay itinuro naman ng isa pang saksi kung saan nagtatago ang sundalo kung saan ito ay sa bahay ng kanyang live in partner sa nasabing lugar.
Dito na inaresto ang sundalo kung saan ay nakuha mula sa kostudiya nito ang isang Caliber 45, sampung bala nito at isang magazine, at mga dokumento ng nasabing baril.
Lumalabas sa imbestigasyon na lasing ang suspek ng maganap ang pagpapaputok ng baril nito at nag aaway umano sila ng live in partner nito. |ifmnews
Facebook Comments