Aktibong Miyembro ng Reynaldo Piñon Command, Sumuko sa Nueva Vizcaya

Cauayan City, Isabela- Boluntaryong sumuko sa mga otoridad ang isang aktibong miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) bandang 8:20 ng umaga kahapon sa Sitio Omoc, Brgy. Nagbitin, Villaverde, Nueva Vizcaya.

Nakilala ang sumuko na si alyas Julian/Nilo, 26-anyos at residente rin sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, si alyas Julian ay umaakto bilang medic officer at pinaniniwalaang miyembro ng Reynaldo Piñon Command, Central front KR-CV na sinasabing nagsasagawa sila ng operasyon sa ilang lugar sa Isabela gaya ng mga bayan ng San Mariano, Benito Soliven, ilang bahagi ng Cauayan City,Ilagan City, Maconacon, Divilacan at Palanan.


Narekober sa kanyang pag-iingat ang ilang matataas na kalibre ng baril gaya ng (1) caliber 38, (13) live ammos, (3) rifle grenade, (1) hand grenade at isang bag na naglalaman ng mga medical paraphernalia maging subersibong dokumento.

Ibinunyag din nito na sumali siya sa grupo taong December 24, 2015 subalit dahil sa gawaing panggigipit at korapsyon ng mga pinuno at paggawa ng mga sekswal na pang-aabuso kung kaya’t nagdesisyon ito na isuko ang sarili at magkaroon ng maayos na buhay.

Facebook Comments