Para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., malaki ang maitutulong sa bansa ng pagho-host ng Pilipinas sa Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR).
Ayon sa Pangulo, pagpapakita ito ng aktibong pakikilahok ng bansa sa pagsisikap na mabawasan ang epekto ng climate change lalo’t bahagi ang bansa ng Loss and Damage Fund Board.
Bilang host aniya ng board, may strategic role ang bansa at nangunguna sa ilang mga inisyatibo sa ASEAN region.
Isang mekanismong pinansyal din ito na ibinibigay ng mga developed countries sa pagresolba ng mga suliraning pangkalikasan na dulot ng mga industrial activities ng mga mayayamang bansa.
Titiyakin aniya ng Pangulo na mabibigyang boses ng mga bansang pinakaapektado ng Climate Change, tulad ng Pilipinas, sa pagbuo ng international climate policies.