Aktong Pagnanakaw ng Isang Service Crew, Sapul sa CCTV!

56

Santiago City, Isabela- Huli sa aktong pagnanakaw ang isang lalaki bandang alas singko kahapon, Enero 12, 2018 sa Robinson’s Place, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Ranier Biag, 27 anyos, isang Service Crew at residente ng Mabini, Santiago City, Isabela.

Ayon sa imbestigasyon ng Station 1 PNP Santiago City, nahulog ng isa sa mga empleyado ng Quantum Amusement ang susi ng isang machine at napulot naman ito ni Ranier.

Nalaman ito ng mga empleyado sa kuha ng kanilang CCTV na kung saan makikita ang pagbukas at pagkuha ni Ranier sa mga tokens na laman ng machine gamit ang napulot nitong susi.

Agad namang nilapitan ng mga empleyado ang suspek at nakuha mula sa kanya ang limampung piraso ng tokens na nagkakahalaga ng mahigit isang libong piso.

Sa ngayon, Pinag-iisipan pa ng manager kung sasampahan ng kaso ang suspek.

Facebook Comments