Aktor at konsehal na si Lou Veloso, buwena manong naghain ng COC ngayong araw para sa local position sa Maynila

Ilang minuto pa lamang matapos buksan ang paghahain ng kandidatura dito sa Cinema 12 sa SM Manila, may isa na agad na nag-file ng certificate of candidacy (COC).

Bandang alas-8:15 ng umaga nang dumating si Manila 6th District Councilor at dating aktor na si Lou Veloso para ihain ang kaniyang COC.

Muling tatakbo si Veloso sa pagka-konsehal sa 2025 midterm elections.


Agad namang in-accommodate ng mga taga Commission on Elections (COMELEC) si Veloso at sa loob lamang ng ilang minuto ay natapos na agad ang kaniyang filing.

Samantala, kahapon ay nasa 15 ang nag-file ng kanilang COC kabilang na ang isang naghain para sa pagka-alkalde na si Alvin Karingal.

Ayon sa COMELEC, apat ang naghain sa District 1; tatlo sa District 2; apat sa District 3 kabilang ang para sa mayoral position, wala namang naghain sa District 5 at dalawa sa District 6.

Facebook Comments