Aktor na gaganap bilang adult Mayor Isko Moreno sa pelikulang ‘Yorme: The Musical,’ kilalanin!

Napili ang aktor na si Xian Lim bilang bida sa pelikulang “Yorme: The Musical,” na tungkol sa buhay at humble beginnings ni Manila City Mayor Isko Moreno hanggang mahalal itong alkalde ng Maynila.

Si Xian ang gaganap bilang adult Isko sa pelikula at si McCoy de Leon naman ang gaganap bilang young Isko.

Nagsimula na ang shooting ni Xian para sa biographical film ni Mayor Isko nitong March 18.


Ang talento ni Xian sa musika ang naging dahilan kaya siya ang piniling maging bida sa drama-musical movie.

Facebook Comments