Aktor na si Arjo Atayde, nag-donate ng mga service vehicle sa Quezon City

Nag-donate ng mga sasakyan sa Quezon City government ang aktor na si Arjo Atayde na magagamit ng iba’t ibang barangay sa lungsod.

Sa social media pages ng QC Government, ibinahagi nito ang mga larawan ng mga sasakyan na bigay ng aktor.

Ang unang batch ng mga service vehicles ay ipinamahagi sa; Barangay NS Amoranto, Barangay Manresa, Barangay Paang Bundok, Barangay St. Peter, Barangay Sto. Cristo, Barangay Maharlika, Barangay San Antonio, Barangay San Jose at Brgy. Vasra.


Magagamit naman ang mga sasakyang ito upang makapaghatid serbisyo at aksyon agad sa kanilang paglilingkod sa bayan.

Ilang netizens naman ang humanga kay Arjo.

Facebook Comments