Aktor na si Richard Gutierrez kinasuhan ng pamemeke ng dokumento ng BIR

Manila, Philippines – Hindi pa man nareresolba ang kinakaharap na reklamong tax evasion na isinampa ng Bureau of Internal Revenue.

May Panibagong reklamo nanaman na kinakaharap ngayon ang aktor na si Richard Guttierez sa Dept of Justice matapos maghain ng hiwalay na reklamong falsification of public documents ang BIR.

Pinangunahan ni BIR Assistant Commissioner James Roldan ang paghahain ng reklamo sa DOJ laban kay Guttierez dahil sa pagsusumite umano nito ng pekeng Annual Income Tax Return o ITR para sa taxable year 2012.


Ayon sa BIR, pawang falsified o pineke din ang mga isinumiteng ITR ni Guttierez para sa 2nd, 3rd at 4th quarter ng taong 2012.

Sinabi ng BIR na nilabag ni Guttierez anf Article 172 ng Revised Penal Code at ang Section 255 ng National Internal Revenue Code of 1997.

Si Guttierez ang Presidente ng R. Gutz Production Inc., na nasa negosyo ng production, processing at marketing ng mga pelikula at TV show.

Una nang inireklamo si Guttierez ng BIR ng tax evasion noong April 21, 2017 dahil sa umanoy hindi pagbabayad ng buwis na aabot sa P38.57-Million noong 2012.

July 18, 2017, naghain si Guttierez ng kanyang counter-affidavit sa DOJ kung saan ayon sa BIR, nadiskubre ang anilay mga pekeng dokumento ni Guttierez.

Facebook Comments