Manila, Philippines – Naghain ng counter affidavit sa Department of Justice ang aktor na si Richard Gutierrez.
Ito ay may kaugnayan sa isinampang tax evasion case ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice laban sa actor.
Nag-ugat ang reklamo makaraang hindi magbayad si Gutierrez at ang kanyang kumpanyang R. Gutz Production Corp. ng tamang buwis nuong 2012.
Nabatid na dalawang counts ng tax evasion case ang isinampa laban kay Gutierrez na tumatayo ding presidente ng kanyang kumpanya.
Sa record ng BIR, aabot sa P38.57 million ang bayarin sa buwis ng aktor, kasama na ang multa at iba pang charges.
Iginiit naman ng aktor na dapat ibasura ng DOJ ang kaso laban sa kanya.
Facebook Comments