Switzerland – Pumanaw ang beteranong actor na si Roger Moore sa edad 89.
Ayon sa kanyang mga anak na sina Deborah, Geoffrey Robert at Christian – nasawi ang kanilang ama sa pakikipaglaban sa sakit na cancer sa Switzerland.
Isasagawa naman ang private funeral sa Monaco, batay sa pasya ng kanyang pamilya.
Si Moore ang pangatlong actor na gumanap sa pelikulang James Bond mula 1973 hanggang 1985 kung saan naging patok ang pitong Bond movies gaya ng “Live and Let Die” at “The Spy Who Loved Me”.
DZXL558
Facebook Comments