Aktres na si Beth Tamayo, buntis sa pamamagitan ng IVF

Sa kabila ng kanyang edad na 43-years old ay hindi nawalan ng pag-asa ang aktres na si Beth Tamayo na magka-anak.

Mahigit tatlong buwan matapos ang pagpapakasal niya sa American husband na si Adam Hutchinson ay inihayag ngayon ni Beth na siya ay buntis sa pamamagitan ng In Vitro Fertilization (IVF) at nakatakdang manganak sa September.

Ang IVF ay isang proseso kung saan kukunin ang mature eggs (embryo) mula sa ovaries at ipe-fertilized ng sperm sa laboratory at kapag na-fertilized na ay saka uli ito ibabalik sa uterus ng babae.


Ayon kay Beth, bagama’t mahirap ang prosesong pinagdaanan niya ay worth it naman daw lalo na’t nagbunga ang kanilang paghihirap na mag-asawa.

Facebook Comments