Aktres na si Gladys Reyes, binigyan ng posisyon sa MTRCB

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang aktres na si Gladys Reyes bilang miyembro ng appeals committee ng Movie and Television Review and Classification o MTRCB.

Magiging kinatawan si Reyes ng television industry sa board kung saan papalitan niya si Jo-aan Maglipon sa nabanggit na pwesto.

Samantala, itinalaga rin ng pangulo si Fernando Calimag Prieto bilang miyembro ng MTRCB kung saan manunungkulan siya rito hanggang September 30, 2024.


Papalitan naman ni Prieto si Pablo Reyes IV.

Facebook Comments