Aktres na si Isabel Granada, pumanaw na

Manila, Philippines – Matapos ang halos dalawang linggong pagka-comatose, pumanaw na ang aktres na si Isabel Granada.

Pasado alas dose kaninang madaling araw nang kumpirmahin mismo ito ng mister niyang si Arnel Cowley sa pamamagitan ng Facebook post.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa pagpanaw ng aktres kabilang na ang ex-husband niyang si Jericho Aguas.


Pinasalamat niya si Isabel sa 14 na taon nilang pagsasama at pagbibigay sa kanya ng aniya’y gwapo’t matalinong anak.

October 24 nang isugod at na-confine sa Hamad General Hospital sa Doha, Qatar ang aktres matapos na biglang mag-collapse.

Kabilang sa mga sikat na pelikula ni granada ang “Magic to Love” (1989), “Lessons in Love” (1990) at Ligaya ang Itawag Mo sa Akin (1997).

Facebook Comments