Aktres na si Sheena Halili, buntis na

Kinumpirma ng actress na si Sheena Halili na 13-weeks na siyang buntis sa kanilang panganay ng asawang si Pasig City Administrator Atty. Jeron Manzanero.

Inanunsyo ng aktres ang kanyang pagbubuntis sa kanyang Instagram account kung saan ipinost nito ang kanyang baby bump at ang sonogram ng kanyang baby.

Maging ang asawang si Jeron ay nag-post din ng picture nila ni Sheena na parehong hawak ang sonogram ng kanilang anak.


Bumuhos naman ang pagbati sa soon-to-be parents mula sa mga kaibigan sa showbiz industry, kabilang na ang close friend na si Marian Rivera at si Pasig City Mayor Vico Sotto.

February nitong taon nang ikasal sina Sheena at Atty. Jeron.

Facebook Comments