Aktres na si Tanya Garcia-Lapid, ibinahagi ang kanilang laban matapos tamaan ang kanyang buong pamilya ng COVID-19

728

“Be strong at magdasal palagi”

Ito ang naging sandigan ng aktres na si Tanya Garcia-Lapid matapos tamaan ang kanyang buong pamilya ng COVID-19 at ngayon ay magaling na sila.


Matatandaan, nagpositibo kasi siya at kanyang asawa na si Mark Lapid pati ang tatlo nilang anak na sina Mischa, Matilda at Madeleine.

Tinamaan din ang kanilang dalawang yaya ng naturang virus.

Ayon kay Tanya, naging matapang at nagkaroon sila ng lakas ng loob na malalampasan din ng kanyang pamilya ang pagsubok.

Say pa ng aktres, prayers lang talaga at walang ibang makakapitan kundi yung faith kay God.



Sinabi pa ni Tanya, dapat kapag nagkaroon ng COVID-19, huwag magpapa-stress kasi bababa ang immune system.


Dagdag pa niya, palagi silang nagdadasal at nagrorosaryo kasama ang mga anak at si Mark sa pamamagitan ng video call.

Sa huli, sinabi ni Tanya na wala silang ideya kung saan nakuha ng kanyang pamilya ang COVID-19 at baka raw airborne na.

Facebook Comments