Akusasyon ng mga Discaya, ‘demolition job’ — Rep. Marcy Teodoro

Tinawag ni Marikina 1st District Representative Marcy Teodoro na isang demolition job ang mga paratang ng kontrobersiyal na contractors na sina Sarah at Curlee Discaya na umano’y tumanggap siya ng pera mula sa kanilang mga proyekto.

Ayon kay Teodoro, malinaw na diversionary tactic ang mga akusasyon para ilihis ang isyung ibinunyag niya kaugnay ng double funding sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa 2026 National Expenditure Program (NEP).

Dagdag pa nito, hindi siya nakaupo bilang kongresista nang i-award ang mga kontrata sa mga Discaya kundi ito’y sa panahon pa ng yumaong si Bayani Fernando.

Karamihan aniya sa mga Department of Public Works and Highways (DPWH) project na ibinigay sa kanila ay bago pa siya mahalal noong 2022.

Plano naman ni Teodoro na magsampa ng kasong perjury laban sa mag-asawang Discaya dahil sa umano’y maling testimonya sa ilalim ng sinumpaan sa isang pagdinig ng Kongreso.

Handa rin umano siyang makipagtulungan sa anumang patas na imbestigasyon upang patunayan ang kawalang-katotohanan ng mga paratang laban sa kanya.

Nanawagan si Teodoro sa publiko na maging mapanuri sa disinformation at huwag basta maniwala sa mga motibo ng mga nagpapakalat nito.

Facebook Comments