Akusasyon ng pangingikil ng Ombusdman sa pulis sa likod ng Luneta hostage taking, posibleng magamit sa kasong ihahain laban kay deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang

Manila, Philippines – Plano ngayon ng ilang abogado na gamitin ang naging ni Senior Inspector Rolando Mendoza na nang-hostage noon sa Luneta na ikinamatay ng ilang mga dayuhang tsinoy laban sa Ombudsman.

Ayon kay Atty. Manny Luna, pinag-aaralan na ng kanilang kampo kung maaaring gamitin ang statement ni Capt. Mendoza na kinikikilan umano ng mga opisyal ng Ombudsman kapalit ng pagpabor sa kanyang kinakaharap na kaso.

Matatandaan na isa sa mga dahilan kung bakit nanghostage si Capt. Mendoza ay dahil hindi tinugunan ng Ombudsman ang kanyang karangain kaugnay sa kanyang kaso na umano’y pangingikil ng kanyang mga tauhan noon sa isang suspek na nahulihan ng shabu bagkus nangikil pa umano ang ilang mga opisyal ng Ombudsman kapalit ng pagpabor sa kanyang kaso.


Facebook Comments