Akusasyon ng Turkish Ambassador na kinakanlong ng tatlong institusyon ang mga teroristang grupo mula sa bansang Turkey lilinawin na

25

Manila, Philippines – Lilinawin ngayong umaga ang mga akusasyon ng Turkish Ambassador na kinakanlong umano ng Fountain International School and the Filipino -Turkish Tolerance, Intergrated Center for Alternative Development Foundation Incorporated o ICAD at Pacific Dialogue Foundation Inc. o PDF ang mga teroristang grupo na galing sa Turkey.

Magsasagawa ngayon ng Press Conference mamayang alas 10 ng umaga sa Fountain International School na matatagpuan No. 1 Government Center corner Bonny Serrano Ave., sa San Juan, City upang ipaliwanag sa publiko ang akusasyon ng Turkish Ambassador na mayroon umanong kaugnayan ang naturang mga institusyon.

Punto por punto ipapaliwanag sa Media, Clergy at mga pinuno ng Socio-Civic Organizations at Religious Fields ang naturang mga paratang.

Matatandaan na napaulat na nakapasok na umano sa bansa ang mga teroristang grupo mula sa Turkey at ginamit umano nila ang naturang mga Institusyon upang ikubli sa publiko ang tunay nilang pakay o mithihin na maghasik ng kaguluhan sa bansa.

Inaasahan na malilinawan at matuldukan na ang mga agam-agam na lubhang ikababahala ng taongbayan ang naturang akusasyon ng Turkish Ambassador.

Facebook Comments