MANILA – Mariing itinanggi ngayon ng dalawang opisyal ng Commission on Higher Education ang paratang ni CHED Chairperson Patricia Licuanan na may kumikilos para mapatalsik ito sa pwesto.Kasunod na rin ito ng hindi na pagpapadalo kay Licuanan sa mga pagpupulong ng gabinete ng Administasyong Duterte.Ayon kay CHED Comm. Prospero De Vera, hindi nito alam kung saan nakukuha ni Licuanan ang kanyang mga akusasyon dahil wala itong batayan at lalong wala siyang kinalaman dito.Payo ni De Vera kay Licuanan, pagtuunan na lamang nito ng pansin ang tunay na dahilan kung bakit hindi na siya pinapadalo ng pangulo.Bukod kay De Vera, pinangalanan din ni Licuanan si CHED Executive Dir. Julito Vitriolo na nakikipagsabwatan para mapatalsik ito sa pwesto na mariing naman itinanggi ng nasabing opisyal.Una nang ipinunto ni Licuanan ang pag-walk out nina De Vera at Vitriolo sa isang pagpupulong nila noong nakaraang linggo kung saan sinabi nito na may truck record si Vitriolo ng pagtuligsa sa mga nagiging Chairperson ng CHED.Patuloy ang paninindigan ni Licuanan na hindi ito magbibitiw sa pwesto.
Akusasyon Ni Ched Chairperson Patricia Licuanan Na May Mga Kumikilos Para Patalsikin Siya Sa Pwesto, Itinanggi Ng Ilang
Facebook Comments