Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na kailangang maglabas ng mga ebidensiya si dating Senatorial Candidate Greco Belgica kaugnay sa kanyang isiniwalat na plano umano ng Liberal Party na ipapatay si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kailangang may matitibay na ebidensiya si Belgica para patunayan ang kanyang mga paratang laban sa Liberal Party.
Sa ngayon aniya ay walang natatanggap ang Malacanang na impormasyon patungkol sa naging pahayag ni Belgica pero iimbestigahan parin naman aniya ito dahil seryosong bagay ang banta sa buhay ng Pangulo.
Sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ipinagtanong na niya sa kanyang mga commanders ang impormasyong isiniwalat ni Belgica at lumabas na wala itong katotohanan.