Itinanggi ng mga abogado ni Pastor Apollo Quiboloy ang mga akusasyong ibinabato sa kaniya ni Senator Manny Pacquiao..
Ito ay matapos maghain si Pacquiao ng P100-million cyberlibel complaint laban kay Quiboloy sa Makati City Prosecutor’s Office dahil sa pagpapakalat nito ng fake news.
Nagsimula ang kaso sa TV program at social media post ni Quiboloy na si Pacquiao ang nagpasimula ng hindi na natapos na Saranggani Sports Training Center na nagkakahalaga ng P3.5 billion.
Ayon sa mga abogado ni Quiboloy, ginamit lamang ng pastor ang karapatan nito na magbigay ng critical evaluation kay Pacquiao.
Nanindigan din ang mga abogado na karapatan ng bawat mamamayan na magtanong, makinig, magsalita at gumawa ng mga komentaryo tungkol sa mga aksyon ng public officials.
Samantala, handa naman ang kampo ni Quiboloy na maghain ng counter affidavit bilang sagot sa reklamo ni Pacquiao, habang hinihintay ang magiging resolusyon ng prosecutor sa Makati.