Akusasyon ni Pangulong Duterte na pagsasanib ng mga ‘dilawan’ at ‘pulahan’ para pabagsakin ang administrasyon, itinanggi ng dating mambabatas

Manila, Philippines – Mariing pinabulaanan ni dating Bayan Muna Partylist Representative Satur Ocampo ang bintang ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakipagsanib na ang mga “Pulahan” at “Dilawan” para pabagsakin ang kanyang Administrasyon.

Sa ginanap na forum sa Manila, ipinunto ni Ocampo na walang basehan si Pangulong Duterte para paratangan ang mga “Pula” o grupong kumikilalang sa komunismo para sabihing nakikipagsabwatan sila na patalsikin ang Pangulo.

Giit ng dating mambabatas, wala umano silang ugnayan sa mga “Dilawan” dahil kung sila umano ang tutukuyin nila sa alegasyon ng Pangulo na may destabilization plot laban sa kanya ay masasabing nais nilang makabalik sa pwesto pero nilinaw ni Ocampo na wala silang balak na makabalik sa pwesto sa gobyerno.


Nilinaw ni Ocampo na ang patutsada ng Pangulo tungkol sa tangkang distabilisasyon ay pinabulaanan din ng AFP at gayundin ng Intelligence Community na nagsasabing wala silang namo-monitor na pag-organisa at pagkilos para pabagsakin ang Adminitrasyong Duterte.

Facebook Comments