Akusasyon ni Trillanes laban kina Pangulong Duterte at Senator Bong Go, lumang isyu na

Panis na isyu ang alegasyon ng korapsyon ni dating Senator Antonio Trillanes IV laban kina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Christopher “Bong” Go na nasagot na noon pang Setyembre 2018.

Ayon kay Go, hinamon pa niya si Trillanes na magsampa ng kaso na hindi niya uurungan dahil malinis ang kanyang konsensya at wala siyang batas na nilabag at hindi rin nakinabang.

Pinaalala pa ni Go ang sinabi niyang magbibitiw siya kapag napatunayan ang akusasyon pero lumipas ang halos tatlong taon ay walang napatunayan si Trillanes dahil ang lahat ay puro kasinungalingan at paglason sa isipan ng mamamayan.


Hamon ni Go kay Trillanes, huwag nang magpaligoy-ligoy pa at magsampa na agad ng kaso kung totoong may korapsyon na nangyari at huwag idaan sa istilo nito na naninira dahil mag-eeleksyon na naman.

Facebook Comments