Akusasyon panggagahasa at pang-aabuso sa mga drug suspek ng mga pulis, itinanggi ng PNP

Nanindigan muli ang Philippine National Police (PNP) na lehitimo ang lahat ng kanilang anti-illegal drugs operations.

Sa harap ito ng  panibagong kontrobersya na kanilang kinakaharap kung saan sinabi ng International Criminal Court o ICC na may mga natanggap silang mga reklamo na may mga babaeng nagagahasa na konektado sa drug personalities at mga drug suspek na inaabuso muna bago patayin.

Ayon kay PNP spokesman Police Brigadier General Bernard Banac, “rehashed” o dati nang alegasyon ang mga pang-aabuso na ginagawa umano ng mga pulis pero napatunayan naman na wala itong batayan.


Giit ni Banac, sumusunod ang PNP sa standard operating procedure sa mga operasyon lalo na sa kampanya laban sa iligal na droga, krimen at maging sa terorismo.

Matatandaang  target  ng Office of the Prosecutor na tapusin sa susunod na taon ang preliminary examination sa drug war ng Pilipinas.

Facebook Comments