Akusasyong ibinebenta ang swab test kits, itinanggi ng alkalde ng Taytay, Rizal

Mariing pinabulaanan ni Taytay, Rizal Mayor Joric Gacula ang mga kumakalat ngayon sa social media na ibinebenta ng kaniyang Municipal Health Official ang COVID-19 swab test kits na donasyon sa kanila ng SM Foundation.

Ayon kay Mayor Gacula, inaakusahan si Taytay Municipal Health Officer Dr. Jeffrey Roxas, gamit ang dummy account sa Facebook na nagbebenta umano ng swab test Kits sa halagang ₱3,500 bawat isa.

Pinabulaanan ito ng alkalde at sinabing pakana ito ng mga kalaban niya sa pulitika.


Paliwanag ng opisyal , libreng ibinibigay ang test kits sa mga residenteng may sakit pero kinakailangan pa rin nilang sagutin ang test laboratory.

Facebook Comments