Akusasyong nanuhol sa kongreso, itinanggi ni Secretary Diokno

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na inalok niya ng 40 billion pesos ang Kamara kapalit ng pagtahimik ng mga ito sa 75 billion pesos na insertion sa pondo ng Department of Public Works and Highways.

Sinabi ni Diokno na isa nanaman itong malaking kasinungalingan at walang alekgasyon laban sa kanya.

Sinabi naman ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles na isa itong mabigat na alegasyon laban sa kalihim ng DBM.


Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Nograles na siguradong sasagutin ni Diokno ang alegasyon na ito saan mang forum sa pinaka mabilis na panahon.

Tiniyak din naman ni Nograles na hindi kinukunsinti ng Malacañang ang ganitong uri ng gawain o ang panunuhol.

Facebook Comments