
Iginiit ni Marikina City 1st District Representative Marcelino “Marcy” Teodoro na malisyoso, hindi totoo, walang sapat na basehan at gawa-gawa lamang ang akusasyon na ginahasa at minolestiya nya ang dalawang babaeng pulis.
Diin ni Teodoro, politically motivated attack ang nabanggit na paratang na ang intensyon ay sirain ang kanyang reputasyon.
Ayon kay Teodoro, nakakaawa siya dahil may mga trumatrabahong pwersa na nasa llikod ng sunod-sunod na mga atake laban sa kanya.
Hindi pa natatanggap ni Teodoro ang pormal na reklamo na isinampa sa kanya kaya wala pa syang kabuuang detalye or impormasyon hinggil dito.
Binanggit ni Teodoro na ang mga alegasyon ay hindi maituturing na ebidensya dahil batay sa Department of Justice Circular ay kailangan pa itong sumailalim sa case build-up at legal evaluation para matukoy kung may sapat na ibidensya bago isalang sa preliminary investigation.
Bunsod nito ay nanawagan si Teodoro at umaasa para sa isang patas, transparent, at bukas na imbestigasyon upang maproteksyunan ang kanyang reputasyon sa harap ng sunod-sunod na mga atake laban sa kanya.









