AKYAT BAHAY GANG | 300 libong pisong halaga ng alahas at pera, natangay sa isang negosyante

Manila, Philippines – Mahigit 300 libong pisong halaga ng mga alahas at pera ang natangay ng mga miyembro ng akyat bahay gang mula sa isang negosyanteng babae sa Tondo, Maynila.

Nakilalala ang biktima na dumulog sa Theft and Roberry Section ng MPD na si Merlina Torress 55 anyos residente ng Pilapil Street Barangay 75 Tondo, Maynila.

Ayon kay Police Superintendent Jay Dimaandal Station 1 Commander ng MPD umalis aniya ang biktima kasama ang kanyang asawa at nagtungo sa kanilang negosyo kung saan nanatili sila roon ng limang araw pagbalik ng mag asawa sa kanilang bahay agad na tiningnan ng biktima ang kanyang bag dahil napansin nito na nagkalat ang mga kagamitan sa kanilang kwarto.


Nagulat nalamang si Torres ng matuklasang wala na ang kanyang mga alas at pera na nagkakahalaga ng mahigit 300 libong piso.

Inaalam na ng pulisya kung mayroong CCTV camera sa lugar kung saan pumasok ang mga suspek sa tahanan ng negosyante.

Facebook Comments