Akyat-bahay sa Echague, Isabela, Talamak!

*Echague, Isabela- *Talamak na ang pag-aakyat bahay ng mga magnanakaw sa Brgy. Garit Norte, Echague, Isabela kung saan dalawang bahay ang pinasok ng mga magnanakaw kahapon sa katatapos lamang na pagsalubong sa bagong Taon habang isang bahay rin ang pinasok ng mga suspek noong mga nagdaang buwan.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Ginang Joylita Recto, Presidente ng AKO OFW Federation ng Isabela sa RMN Cauayan kung saan naidulog na sa PNP Echague ang talamak na pagnanakaw sa kabahayan at iniimbestigahan na rin ito ng pulisya upang matukoy at mahuli ang mga akyat-bahay.

Kadalasan aniya na modus ng mga suspek ay pananamantala tuwing tag-ulan kung saan tinutuklap at dumadaan ang mga ito sa mga bintana.


Malaki naman ang pasasalamat ni Ginang Recto dahil wala namang umanong nasaktan o nasugatan sa mga biktima ng pagnanakaw bukod sa kanilang mga tinangay na gamit at pera.

Nanawagan naman nito sa kanilang alkalde na sana’y malagyan ng mga CCTV Camera ang mga lansangan upang matukoy agad ang mga akyat-bahay.

Samantala, maganda pa rin aniya ang kanilang samahan kung saan patuloy lamang ang kanilang programang pautang para sa kanilang mga miyembrong OFW.

Facebook Comments