Hinimok ni Senador Win Gatchalian ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na muling pag-aralan ang plano nitong ipalit ang larawan ng Philippine eagle sa larawan ng mga Pilipinong bayaning nakaimprenta sa P1,000 bill.
Para kay Gatchalian, dahil dito ay mawawala sa kamalayan ng mga susunod na henerasyon ang mga bayani noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sabi ni Gatchalian, mapagkakaitan ang ating mga bayani ng pagkilalang naaayon sa kanila kung matuloy ang pag-alis sa kanilang larawan sa bagong banknote.
Diin ni Gatchalian, Dapat palagi nating pagyamanin ang ating kasaysayan at panatilihin hangga’t maaari ang mga imahe at pangalan ng ating mga bayani.
Paliwanag ni Gatchalian, dapat sa lahat ng pagkakataon at saan mang lugar, ay dapat nating ipagmalaki, panatilihin, at isulong ang ating mayamang kasaysayan, lalo na para sa mga kabataan at sa mga susunod na henerasyon.
Giit ni Gatchalian, Sila ay bahagi ng kung sino tayo bilang isang bansa.