ALAB PILIPINAS | Ikalawang sunod na panalo, nasungkit

Sports – Nasungkit ng Alab Pilipinas ang ikalawang sunod na panalo sa tulong ng mga bago nilang import na sina Justine Brownlee at Renaldo Balkman.

Nanalo ang Alab Kontra Westport Malaysia Dragon sa score na 90-79 kung saan nakakuha ng 29-points si Brownlee habang 17-points at 11-rebounds ang naiambag ni Balkman.

Ikinatuwa naman ni Alab Coach Jimmy Alapag ang naging performance ng dalawa na pumalit sa dati nilang import na sina Reggie Okosa at Ivan Johnson.


All out support naman ang mga Pinoy fans na nanood sa laban na ginanap sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City kung saan sunod na makakalaban ng alab ang team ng Singapore Slingers sa linggo (January 7, 2018).

Facebook Comments