Alab Pilipinas, nakuha ang ika-5 sunod na panalo vs Chinese team

Hindi pinaporma ng Alab Pilipinas ang Chinese team na Zhuhai Wolf Warriors sa kanilang naging laban sa ASEAN Basketball League (ABL) na ginanap sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Tinalo ng Alab ang Warriors sa score na 105-95 kung saan bumida sa panalo ang dating PBA player na si Josh Urbiztondo na may 19-points.

Dahil sa panalo, nananatiling nasa top spot ng team standing sa ABL ang Alab na may 5-0 win/loss record.


Sunod na makakaharap ng Pilipinas ang Westsports Malaysian Dragon sa mismong homecourt ng kalaban sa darating na Miyerkules (January 9, 2019).

Facebook Comments