Alab Pilipinas, wagi kontra Zhuhai Wolf Warriors ng China

Hindi pinaporma ng Alab Pilipinas ang Zhuhai Wolf Warriors ng China matapos nila itong tambakan sa kanilang naging laban sa Asean Basketball League (ABL).

Tinalo ng Alab ang Wolf Warriors sa score na 100-81 kung saan nanguna sa panalo si Renaldo Balkman na may 34-points at 13-rebounds habang nag-ambag naman ng 25-points at 22-rebounds si PJ Ramos.

Ito na ang ikalimang sunod na panalo ng Pilipinas kaya at nananatili sila bilang number one sa team standings na may 11-2 win/loss record.


Sunod na makakaharap ng Alab ang basketball team ng Vietnam na Saigon Heat sa darating na February 3 (Sunday) na gaganapin sa Hoops Dome sa Cebu.

Facebook Comments