Alabang-Sucat Skyway Extension (Northbound), bubuksan na sa 2nd quarter ng 2021

Magiging mabilis na ang biyahe ng mga motoristang patungo ng Cavite, Laguna at iba pang bahagi ng Southern Luzon.

Sa harap ito ng nalalapit na pagtatapos ng 3-lane Skyway Extension na dumudugtong sa elevated Skyway at South Luzon Expressway (SLEX) sa pamamagitan ng Alabang Viaduct.

Ayon kay Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, target nilang matapos ang North bound ng proyekto sa ikalawang bahagi ng taon.


Habang ang South bound aniya ay inaasahang mabubuksan sa mga motorista sa September ng taong ito.

Kaakibat ng 3.9-kilometer Sucat-Alabang Skyway Extension Project ang widening sa Skyway Alabang Toll Plaza.

Facebook Comments