Hangad ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa bawat Pilipino sa bansa at sa ibayong dagat na pangalagaan ang isa’t isa sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala.
Ito ang mensahe ni Lorenzana kaugnay sa pagdiriwang ng Eid’l Adha, o Feast of Sacrifice ng mga kapatid na Muslim.
Ipinaabot ni Lorenzana ang pakikiisa ng Department of National Defense (DND) sa mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang na ito, kung saan binibigyang halaga ang debosyon, tibay ng loob at pagkakaisa sa panahon ng pagsubok.
Ngayon aniya ang panahon para isantabi ang pagkakaiba alang-alang sa kapayapaan at progreso ng bansa.
Panalangin din ng kalihim na sana magkaroon ng inspirasyon ang bawat Filipino na mayroong komportableng pamumuhay para makatulong sa mga nangangailangan.
Facebook Comments