"Alagang Ina " pinadama sa Iranun Towns sa Maguindanao ni MP Mastura

Namahagi ng bigas bukod pa sa medical supplies na kinabibilangan ng face mask,hand sanitizer,gloves, alcohol, vitamins at face shields ang ipinamahagi ng tanggapan ni BARMM MP Sittie Shahara Bai Dimple Mastura sa Iranun Towns noong weekend.

Kabilang sa tinungo ni MP Mastura ang mga bayan ng Buldon, Barira, Matanog at Parang.
Ang pagpapaabot ng tulong ng tanggapan ni MP Mastura ay bahagi naman ng kanyang Livelihood Intervention on Women , Medical Assistance , Opaln Tulong o LIMO Program.

Nagpapasalamat naman ang mga opisyales ng mga bayang napag-abutan ng tulong lalong lalo na ang mga Frontliners ng mga ito.


Bukod sa LIMO program ni MP Mastura, nagpapatuloy naman ang Free Mobile Iftar nito sa kanyang hometown sa Sultan Kudarat, Maguindanao.

Naitaon ang pamamahagi ng tulong ni MP Mastura sa selebrasyon ng araw ng mga ina.
Si MP Mastura ay maybahay ni LMP Maguindanao President at Sultan Kudarat Mayor Datu Shameem Mastura na aktibo rin sa kanyang mga inisyatiba sa kanyang bayan kasabay ng krisis na dulot ng Covid 19.
MP Bai Dimple Pic

Facebook Comments