Alagang pusa na pumuslit sa bagahe ng amo, nadiskubre sa airport

4215
Courtesy Facebook/Nick Coole

Laking pagtataka ng isang mag-asawang papunta sa bakasyon nang harangin sila sa airport dahil sa nakitang pusa sa isa nilang bagahe.

Pasakay na sina Nick Coole at asawang si Voirrey mula Isle of Man papuntang New York City nitong Oktubre 16 nang mahuli ang pusa sa kanilang bag.


Balak ipagdiwang ng dalawa sa New York City ang ika-40 kaarawan ni Nick at sinadya nilang bakantehin ang isang bag para sana sa mga mabibili nila mula sa biyahe.

Nang makarating sa airport at ma-scan ang mga bagahe, kinuha ng opisyal ang dapat sana’y bakanteng maleta at muling sinuri.

Ipinatawag ang dalawa at sinabihang may lamang pusa ang kanilang bagahe.

Gaya ng mga opisyal sa airport, ipinagtaka rin ng mag-asawa kung paanong napunta sa loob ng maleta ang alagang pusa nilang si Candy.

Hindi raw nila naramdaman o narinig man lang na may hayop sa dala-dala nilang bag–pero ayon kay Nick, sadyang mahilig pumasok sa mga bag at kahon ang alaga.

Matapos linawin ang sitwasyon, tinawagan ang tatay ni Voirrey para masundo si Candy at maiuwi sa bahay, habang ang mag-asawa, tuloy sa kanilang biyahe.

Facebook Comments

From Advertisers