ALAGANG SAWA NASA MAAYOS NG PANGANGALAGA MATAPOS ISURENDER

Nasa maayos ng kalagayan ang isang sawa o python mula sa Bayambang matapos isurender ng mag-asawang nag-alaga dito, nito lamang 27 ng Pebrero.

Kasalukuyang nasa pangangalaga na ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Dagupan ang naturang sawa at inaalam ang kondisyon bago dalhin sa mas angkop nitong tirahan.

Ayon kay Ruth, maliit pa lang ang sawa noong binigay ito sa kanya ng kanyang asawa upang alagaan.

Dahil malaki na ang sawa, masakit man sa kalooban ng mag asawa ay kanila na itong itinurn over sa awtoridad upang mas mabigyan ng nararapat na pangangalaga.

Upang makaiwas sa panganib, nagpaalala ang CENRO sa publiko na huwag basta bastang dadakip o mag-alaga ng mga klase ng wild animals tulad ng sawa kung walang tamang kaalaman sa mga ito bagkos ay ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments