Alak at ilegal na droga, isinisisi ng suspek sa pagpatay sa limang magkakamag-anak sa San Jose Del Monte, Bulacan

164

Manila, Philippines – Isinisisi ng inarestong suspek sa alak at ilegal na droga ang pagpatay nito sa limang magkakamag-anak sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Kwento ng suspek na si Carmelino Ibañes – lasing at nasa impluwensya ng droga nang ginawa nito ang krimen.

Pag-amin ng suspek, una niyang sinaksak ang lola na si Aurora at sinunod ang ina ng mga bata na si Estrella Carlos saka kapwa ginahasa.


Dito niya sinunod na inundayan ng saksak ang tatlong bata.

Ayon naman kay San Jose Del Monte Chief, Supt. Fitz Macariola – iniimbestigahan na rin ang dalawang tao na kasama ng suspek na nag-inuman bago ang krimen.

Sinampahan na ng five counts ng murder at two counts ng rape ang suspek.



Facebook Comments