Pasay City – Natigil ang masayang inuman ng mga estudyante matapos silang arestohin ng pulisya dahil sa paglabag sa pinapatupad na city ordinance sa Pasay.
Siyam ang dinala sa presinto na karamihan ay estudyante at 2 dito ay menor de edad.
Ayon sa Pasay pulis, nagpapatrolya sila sa ilang-Ilang St., Barangay 184, Maricaban, Pasay City nang madaanan nilang nag-iinuman ang mga estudyante sa kalsada alas dose pasado ng madaling araw.
Dahil sa ipinatutupad na city ordinance no. 265 (drinking in public place) agad nilang inaresto ang mga ito.
Paliwanag ng Pasay PNP, mahigpit nilang pinapatupad ang nasabing ordinansa para mabawasan ang naitatalang krimen at pag-aaway sa kalsada.
Sa nasabing ordinansa sa 500 pesos ang multa o kaya ikukulong hanggang 5 araw sa ikalawang paglabag,1000 pesos o kaya 10 araw na pag kakakulong habang 2500 pesos o isang buwang pagkakakulong sa ikatlong paglabag.